ANG BANYUHAY NG METEOR GARDEN

Sa direksyon ni Cai Yuexu noong 2001, unang ipinalabas ang Meteor Garden sa Taiwan sa Chinese Television System (CTS) sa ilalim ng produksyon ng Comic Ritz International Production. Mayroong 27 kabanata ito na ipinalabas mula ika-26 ng Abril, 2001 hanggang sa ika-16 ng Agosto, 2001. Nasundan ito ng Meteor Garden II kung saan mapapanood ang kasunod na banghay na hindi natapos sa unang palabas. Nasa ilalim ito ng parehong kumpanyang produksyon sa direksyon naman ni Mingtai Wang. Inere ito sa parehong television network na CTS mula noong ika-1 ng Nobyembre, 2002 hanggang sa ika-25 ng Disyembre 2002 na mayroong 31 na bahagi.

Sa direksyon naman ni Linha Long, ginawa muli ang palabas na Meteor Garden sa China sa Hunan Television at Netflix sa ilalim ng produksyon ng Star Ritz Mango Entertainment at Edko Films. Mayroon naman itong 50 na bahagi at ipinalabas noong ika-9 ng Hulyo, 2018 hanggang sa ika-29 ng Agosto 2018.

Hango ang serye na ito sa isang tradisyonal na libro ng mga Hapon na tinatawag na Manga na Hana Yori Dango. Tungkol ito sa isang simpleng babae na nakapasok nang hindi inaasahan sa isang mamahalin at prestihiyosong paaralan. Nakilala niya dito ang isang grupo ng kalalakihan na tinitingala at hinahangaan ng lahat—ang Flower 4 o F4. Ang F4 din ang naunang nanggulo sa buhay niya, ngunit kasabay ng pag-usad ang kuwento nito, ang pagkahulog ng loob ng ibang miyembro ng F4 sa kaniya. Naipakita rin dito ang pagkaka-iba ng mga tao na nasa iba’t-ibang klase sa lipunan.

meteorite.jpg
(c) Female Network
METEORinsert10
(c) Preview

Ayon sa mga pananaliksik, kasuotan ang isa sa malaking impluwensiya kung ano ang magiging unang pagkakilala mo sa isang tao. Makapagbibigay ito ng ilang implikasyon ukol sa iyong kinatatayuan sa lipunan, estado sa buhay, kung gaano kalaki o kaliit ang iyong kinikita, at kung paano mag-isip ang isang tao.

Malaki ang makikitang pagbabago sa kasuotan ng mga tauhan mula sa orihinal at sa adaptasyon ng Meteor Garden. Kung ihahambing ang bagong bersyon sa nauna, kapansin-pansin na sumusunod sa uso ang mga tauhan ngayon—popular culture o pop culture.

Noong sa orihinal na bersyon, makikita na ang pananamit ng grupong F4 na mas pormal ang kasuotan na ginamit dito. Huwego-de-anilyo, mga damit na mayroong kuwelyo at mahahabang manggas, mga katad na sapatos ang ilan sa mga halimbawa ng kasuotang pormal. Karaniwang tumataas ang tingin sa isang tao kapag ang mga ito ang karaniwang isinusuot niya. Madalas ding iniuugnay ang katangian ng iyong trabaho sa pananamit ng isang indibidwal: mga doktor na nakasuot ng puting kasuotang pang-laboratoryo, mga inhinyerong karaniwang may suot na helmet, mga abugadong naka-tsaleko, at marami pang ibang trabaho. Sa palabas, ipinapakita na mas nakahihigit ang kinatatayuan ng F4 kung ikukumpara sa lahat ng mga estudyante sa pamamagitan ng kasuotan. Sila ang nagsilbing pamantayan kung maayos ba ang pananamit ng isangmag-aaral o hindi.

Samantala naman sa makabagong adaptasyon ng Meteor Garden, ipinakilala ang pangkaraniwang kasuotan ng mga kabataan o tinatawag din streetwear na impluwensiya ng pop culture. Ito ang sumisira sa klitse sa pagsusuot ng kasuotang pormal na nabanggit sa naunang punto. Malalaking kamiseta at bolero, mga natastas na maong, mga snikers ang ilang halimbawa ng streetwear. Ngunit, hindi rin biro ang mga presyo ng mga ito. Sa katunayan nga, sa panahaon ngayon, mas mahal na ang mga ito kung ihahambing mo sa presyo ng mga kasuotang pormal.

meteorshower.jpg
(c) CosmoPH

Sa panahon ngayon, iba na ang lamang ng matalinong tao. Mayroon pa rin namang nakatingin sa panlabas na anyo, subalit, mas naging wais na ang mga tao ngayon. Mas binibigyang halaga na ngayon ang kung ano ang laman ng isang tao sa puso at isipan.

Kasabay ng pag-ikot ng ating mundo ang pagbabago nito nagbigay rin ng pagbabago sa ibang mga tauhan sa bagong Meteor Garden. Hindi man gaanong kalaki ang pagbabagong nangyari kay Dao Ming Si, mayroon pa rin itong naging epekto sa kabuuhan ng palabas. Matigas ang ulo, lapitinng gulo, at isang estudyanteng palaging may mababang marka ang karaniwang nasasabi kung bibigyang larawan ang katauhan nito. Ngunit naiba ito sa makabagong bersyon, naging matino ang dating lapitin ng gulo, at isa na siya ngayon sa mga tinitingala hindi lang dahil sa yaman niya, kung hindi sa angking katalinuhan nito.

meteorology.png
(c) DreamPanda

Hindi lamang kay Dao Ming Si ang may pagbabago, maging ang ilang mahahalagang bahagi rin ng kuwento nito. Kapansin-pansin ang pagbabawas ng manunulat ng bagongMeteor Garden sa mga eksena tungkol sa pang-aapi o bullying kung ikukumpara sa nauna. Sa kasalukuyan, isang malaking suliranin ang pang-aapi o bullying sa kahit anong pamamaraan. Marami na ang sinasakop ang bullying, mag-mula lang sa pangkaraniwang tuksuhan lang sa inyong magkakaibigan, hanggang sa sukdulang pang-aalipusta ng isang mas nakatataas na katatayuan sa lipunan sa mas nakabababa. Ayon sa mga pananaliksik, malaki ang epekto ng pang-aapi sa parehong nang-api at ang inapi sa kanilang mga mental health, kaya mas naging sensitibo ang usapin na ito at nilimitahan na lang ng manunulat ang mga suliranin ukol dito.

Maraming pang mga bahagi ng banghay ang nagbago, ngunit kapuna-puna ang hindi pagtulak ng ina ni Shan Cai sa kaniya kay Dao Ming Si. Taliwas ito sa naunang kuwento na kung saan pinipilit siya ng kaniyang ina kay Dao Ming Si sa kadahilanang, mayamang ang pamilya ni Ming Si, at umaasa siyang ito ang magiging sagot upang makaahon sila sa kahirapan; hindi rin idiniin dito na mahirap ang pamilyang pinanggalingan ni Shan Cai. Katulad na lamang ito sa ating panahon, hindi na inaalintana ang kahirapan sa mundo, at hindi rin ganoong kababa ang tingin sa mga mahirap kumpara sa mga mayaman dito kung ihahambing sa naunang pagpapalabas ng Meteor Garden.

Kasabay ng paglipas ng 17 taon, ang pagbago ng kasaysayan at kultura. Sa loob ng mga taon na ito, maraming nagbago maging ang mga iba’t-ibang aspekto ng seryeng pangtelebisyon na ito. Sa bagong adaptasyon ng Meteor Garden, ipinapakita ang bahid ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagbabago sa: 1) kasuotang ginamit, 2) ugali ng mga tauhan, at 3) banghay nito. Naniniwala ako na isa sa may pinaka-malaking impluwensiya dito ay ang popular culture na kung saan umiikot ang ating makabagong mundo. Sinasalamin nito ang kultura na mayroon ang kabataan ngayon.

Talasanggunian:

Chaw, Kenneth. “‘Meteor Garden 2018’: Not Impressed But Can’t Stop Watching.”
Star2.com. August 07, 2018. https://www.star2.com/entertainment/2018/08/08/meteor-garden-2018-tv-review/.

“DramaPanda: Why Meteor Garden 2018 Has the Poorest F4 and a Smart Dao Mingsi.” 2018 Chinese Drama Recommendations. In-access ika-7 ng Setyembre, 2018. http://www.dramapanda.com/2018/07/why-meteor-garden-2018-has-poorest-f4.html.

Hiding, Ray-CHUL |. “Meteor Garden 2018 | Comparison and Review | K-Drama Amino.” Amino Apps. July 29, 2018.
https://aminoapps.com/c/k-drama/page/blog/meteor-garden-2018-comparison-and-review/6Pos_zuWE1d5Ed2nzGa1E4dlB2eQbdr

LearnVest. “What Your Clothes Say About You.” Forbes. April 03, 2012.
https://www.forbes.com/sites/learnvest/2012/04/03/what-your-clothes-say-about-you/#19e3d3bf6699.

Lopez, Jacinda A., and Ysa Singson. “Why We ~*Love*~ The New Dao Ming Si In ‘Meteor Garden’.” https://www.cosmo.ph. July 20, 2018. https://www.cosmo.ph/entertainment/why-we-love-new-dao-ming-si-meteor-garden-a483-a704-20180720.

Lopez, Yanna. “We’re Officially Obsessed with the Meteor Garden Remake and Here’s Why.” Preview.ph. July 10, 2018. Accessed September 06, 2018. https://www.preview.ph/fashion/meteor-garden-2018-a00192-20180710.

“Meteor Garden.” MyDramaList. In-access ika-7 ng Setyembre, 2018. https://mydramalist.com/23184-meteor-garden.

Network, The Jakarta Post/Asia News. “‘Meteor Garden 2018’: Same Old Recipe but Girls Still Love It.” Inquirer Entertainment Linkinpark Comments. Accessed
September 06, 2018. http://entertainment.inquirer.net/284519/meteor-garden-2018-old-recipe-girls-still-love

“Streetwear 101 – The Ultimate Guide to What, Why, Who & How’s of the Genre.” Inverse Culture. Accessed September 20, 2018. https://inverseculture.com/blogs/features/streetwear-101-the-ultimate-guide-to-what-why-who-defines-the-genre.

Walton, Alice G. “The Psychological Effects Of Bullying Last Well Into Adulthood, Study Finds.” Forbes. February 21, 2013. https://www.forbes.com/sites/alicegwalton/2013/02/21/the-psychological-effects-of-bullying-last-well-into-adulthood-study-finds/#7f551e971592.

Waude, Adam. “Fashion Psychology: How The Clothes You Wear Affect How People Perceive You.” Psychologist World. February 19, 2016. https://www.psychologistworld.com/body-language/psychology-of-clothing-dating-dress.

“”Meteor Garden” 15 Years Later: Reboot VS. Original.” LionhearTV. May 28, 2018. https://www.lionheartv.net/2018/05/meteor-garden-2018/.

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑

Design a site like this with WordPress.com
Get started